Ganito inilarawan ni Carmelita Mandain ang kanyang karanasan nang tamaan ng ipo-ipo ang kanilang bahay sa Davao City bandang 1 a.m. kahapon, June 13.
Ayon kay Carmelita, akala niya ay mamamatay na sila sa pagkakataong iyon dahil natanggal na ang mga atip sa kanilang bubong at halos magiba na ang kanilang bahay.
Sa video na in-upload ng netizen na si Ry Llanes, makikita ang mga kalat sa gilid ng kalsada sa Barangay 23-C Mini Forest Boulevard sa lungsod na resulta umano ng ipo-ipo.
Sa isa pang video na kuha naman ng isa sa mga residente na si Emmanuel Rimandiman, makikitang nagkalat ang kanilang gamit sa loob ng kanilang bahay.
Agad namang nagsagawa ng assessement sa mga apektadong residente ang Davao City Social Welfare and Development Office para sa agarang ayuda.
Sa ngayon, unti-unti nang inaayos ng mga residente ang mga nasira nilang tirahan. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph
Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^