Teves, nanindigang walang ipinadalang subpoena sa kanila kaya hindi dumalo sa prelim investigation

Teves, nanindigang walang ipinadalang subpoena sa kanila kaya hindi dumalo sa prelim investigation

HomeNews, TV5Teves, nanindigang walang ipinadalang subpoena sa kanila kaya hindi dumalo sa prelim investigation
Teves, nanindigang walang ipinadalang subpoena sa kanila kaya hindi dumalo sa prelim investigation
Nanindigan si suspended 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na hindi sila nakatanggap ng subpoena kaya hindi humarap ang kaniyang kampo sa preliminary investigation kaugnay ng Degamo murder case. Ito ay matapos sabihin ni Justice Sec. Boying Remulla na hindi natuloy ang preliminary investigation dahil walang sumipot sa kampo ng kongresista.

/”Bago ka maka-attend sa isang preliminary investigation, kailangan meron kang tinatawag na subpoena. Wala kaming natatanggap na subpoena. So kumbaga sa party, bakit ako pupunta sa isang party o ‘yung mga abogado ko nang wala kaming imbitasyon. Ginawa kaming gate crashers ‘di ba,/” ayon kay Teves.

Iginiit din ng kongresista na labag sa batas ang pagkuha ng blood samples sa mga naarestong suspek sa pagpatay kina dating gobernador Roel Degamo at iba pa.

/”Narining ko na ‘yan dati na pinilit kumuha ng blood sample ‘yung mga tao doon na nahuli raw, nag-surrender, nahuli. Labag sa batas ‘yun at ang daling kunan ng blood sample, ipahid kung saan sabay sabihin nag-match. Matagal ko na itong sinabi, hindi niyo na maloloko ang taong bayan,/” giit ng kongresista. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^